Hawot pa rin ngayón ang literaturang Tagalog. Miski na mayroóng katulad na pantasyang libróng Tagalog na
The Explorers ni Kirsten Nimwey sa iBooks ko, kauntí pa rin ang mababasa ko sa Tagalog. Miski na iláng dekada ang nakaraáng lengguwaheng nasyunál ng Pilipinas ang Tagalog, malimit pa ring magbasá sa Inglés ang maraming Pilipino. Ang kultura ng Pilipinas ay "tayngá at bibíg." Nitóng nakaraáng mga dekada, mas progresibo ang telebisyón at pelíkulang Tagalog. Miski na ang mga Koreanong dramang teleserye ay tinatagalog.
No comments:
Post a Comment